Manila Photowalk — National Museum – Intramuros – Binondo

0
1769
views
Save this blog for offline reading.

Nagmeetup kami sa Rizal Park (KM 0) at around 10 AM, and then dumiretso na kami sa National Museum to start our photo walk.

The National Museum of the Philippines recently announced that entering the museum will be free of charge for life, may forever. Pag pasok nyo after the registration area ay makikita nyo na ang malaking painting ni Juan Luna, ang Spoliarium. It was so big na kailangan pang hatihatiin ito para lang maship back dito sa Pinas.

Maraming makikita dito, from art works of Jose Rizal, Ben Cab, Joya, sculptures of Guillermo Tolentino, and portraits of the past Philippine Presidents. Ang sarap libutin at pasukin ng mga kwarto dito dahil punong-puno ito ng history ng Pilipinas.

After visiting the National Museum of the Philippines, we proceed to Intramuros, where we had our lunch. Madami makakainan dito, yung mga kinakainan din ng mga college students, so tipid kayo. Food prices ranges from Php 45.00 – Php 100.00.

Nilibot namin ang Intramuros, checked out one of the Philippines’ UNESCO heritage site, the San Agustin Church which is around 450 year ng nakatayo. Ito lang yung building na nakasurvive nung binomba yung Itramuros nung WWII.

Makikita nyo din dito ang office the COMELEC, Manila Cathedral, at marami pang mga lumang architectures.

May mga tour guide din dito, at pwede kayo itour gamit ang kalesa. Muka namang experienced lahat ng tour guides dito at marami kayong matutunan tungkol sa history ng Intramuros. If you’re familiar with CARLOS CELDRAN, isa din sya sa mga tour guides dito sa Intramuros.

After Intramuros, dumiretso na kami sa Binondo, our last stop. Dito parang mararamdaman mo na para kang nasa ibang bansa, specifically like HK dahil sa mga Chinese characters na makikitamo sa mga signage nila.

Binisita namin ang Binondo Church, nag-gala sa streets ng Binondo, kumain ng Lava Pao (masarap), bumili ng pasalubong sa Eng Bee Tin, ang sikat na bilihan ng Hopia. Ang isang hopia ay nagkakahalaga ng Php 45.00 – Php 65.00

Kumain din kami ng crispy fried frog legs sa Estero Fast Food, Ongpin Street, Binondo. Ito ang second time kong makakain ng exotic dish.

Madali lang makapunta dito.
From Pasay Taft LRT Station, sakay ka ng LRT or Jeep going to UN Avenue Station, then just 15 mins walk, mararating mo na ang Rizal Park.

Ang aking nagastos ay around Php 500.00
Pamasahe: around Php 50.00
Food trip: around Php 450.00

Tumambay pa pala kami sa Chinese Garden habang iniintay ang isa pa namain kasama. May entrance fee dito na Php 10.00.

Pwede din kayong pumasok sa Nayong Pilipino, medyo namahalan kami sa Php 40.00 na entrance kaya di na kami pumasok. haha!

Ang aming naging itinerary:

07:00 Meetup at KM 0.
– Breakfast
08:00 Start Photowalk
10:00 ETA National Museum
11:30 ETA Intramuros
12:30 Lunch
13:30 ETD Binondo
14:15 ETA Binondo
– Photowalk
– Foodtrip
20:00 Uwian

Medyo masnapaaga kami sa IT namin, at nakauwi ng around 3:00 PM.

So ayun, next photowalk, baka sa Pinto Art Museum, or Ayala. bahala na.

DIY Pinto Art Museum itinerary here

Save this blog for offline reading.

Comments

comments